Tutulan ang 100% Pagbebenta ng Gubyerno sa Ating mga Serbisyong Pampubliko sa mga Imperyalistang Bayan!
Tuluyan nang ibinubuyangyang ng rehimeng US-Duterte ang Pilipinas sa mga dayuhang negosyante habang ang mamamayan ay pinapatay sa gutom dahil sa pagsirit ng presyo ng mga bilihin at pinapaslang dahil sa mga pasistang polisiya ng berdugong rehimen.
Ipinasa na sa kamara ang isa na namang anti-mamamayang pag-amyenda sa Public Service Act na House Bill 78. Binibigyang pahintulot ng panukalang ito ang buong pagmamay-ari ng mga dayuhan sa mga mahahalagang serbisyong pampubliko tulad ng transportasyon, komunikasyon, at enerhiya mula sa dating 40 porsyentong limitasyon.
Nagkukubli sa ilusyong pagpapabuti ng mga batayang serbisyo dahil sa pribatisasyon, lalo lamang nitong pahihirapan ang mga mamamayan. Isang malaking kasinungalingan at panlilinlang ang pangako ng mga ekonomista ng rehimeng ito noong sinabi nilang ito ay makakatulong para sa mga konsyumer.
Kung may tiyak man sa sinasabing nilang mga kahibangan, ito ay ang kalagayang pagbubukas sa Pilipinas para sa mas pinaigting na kompetisyon ng mga industriya sa merkado. Ngunit tulad ng nangyari sa pagpipribatisa sa iba pang mga serbisyo at utilidad, ito ay lagi’t laging dumudulo sa monopolyo ng iilang malalaking burgesya. Magdudulot ito ng lalung pagtaas ng presyo sa mga serbisyo. Patuloy nitong gagatasan ang mamamayang naghihikahos habang ang mga burukrata-kapitalista sa bansa tulad ni Duterte ay nagpapakatuta sa kanilang mga dayuhang amo imbis na magsilbi sa interes ng masa. Kabilang na rito ang ganansya ng mga pulitiko sa pagtanggap ng limpak-limpak na “lagay” kung maipadulas nila ang mga polisiyang ito. Paiigtingin nito ang kabulukan at kurapsyon sa gubyerno.
Ito ay isa sa maraming mukha ng neoliberal na atake sa mamamayan kung saan ang gubyerno mismo ang nakikipagtulungan sa mga malalaking negosyante para sa kanilang ganansya habang hinuhuthutan ang mamamayan. Dahil ipinapanatili ng rehimeng US-Duterte ang pagiging atrasado ang mga industriya sa Pilipinas, ibinubukas ang bansa sa pagpasok ng mga dayuhang negosyo. Sa ganitong lagay, laging nakadepende ang bansa sa mga di pantay na mga kasunduan sa mga imperyalistang bansa. Tampok rito ang pagpiga ng mga dayuhan sa ating murang lakas paggawa at pagkuha ng ating mga likas na yaman habang wala nang natitira sa mga mamamayan.
Nagpapalala ito ng kahirapan sa bansa dahil sa pambibihag sa mga manggagawa na ibenta ang kanilang lakas-paggawa sa napakamurang halaga. Maaari rin nitong palalain ang kundisyon ng mga mangaggawa dahil sa kontraktwalisasyon, mababang sahod, at kawalan ng benepisyo.
Wala nang maasahan ang mamamayan sa paghahari ng rehimeng US-Duterte kundi ang patuloy na pananamantala at kataksilan sa masang naghihikahos. Wala tayong ibang matatanggap kung hindi ang kanilang mga gatilyong nakatutok sa mga lumalaban para sa ating mga karapatan.
Kinakailangang nating lumahok sa laban ng masa para sa tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon na magsisilbi sa pangangailangan ng bayan. Ngunit dahil laging nakapanguna kay Duterte at sa kanyang mga alipores ang kanilang pansariling interes, lagi’t laging dadanak ang dugo sa kalunsuran man o sa kanayunan. Sa panahong nasasandal na sa pader ang estado dahil sa panggigiit ng masa para sa kanilang mga karapatan, paiigtingin din nito ang mga pasistang atake at iba’t ibang porma ng paniniil. Ito ay para patahimikin ang masang lumalaban at pagilan ang kanilang malawakang laban.
Dahil dito, wala nang ibang solusyon ang mga kabataan at ang malawak na hanay ng masang api kung hindi ang tumangan ng armas at itutok ito sa malalaking ganid, pahirap, at berdugong sistema. Kinakailangang ipagpatuloy ang digmang kinalalahukan ng proletaryado hanggang sa ganap na tagumpay.