“Siyang Walang Pangalan”—Isang Handog sa mga Bayani ng Masa

Maria Laya Guerrero
2 min readAug 31, 2020

--

Ngalan niya’y lumisan,
Siyang pinili ang mamamayan
Bagama’t walang tahanan,
Masa ang kanyang kanlungan

Ngalan niya’y lumaban,
Siyang armas ang tinanganan
Sa gitna ng takot at kahirapan,
Paninindigan niya ang sandigan

Ngalan niya’y rebolusyonaryo,
Siyang humarap sa bangis ng estado
Hindi alintana ang panahon at peligro,
Tagumpay ang kanyang pangako

Ngalan niya’y martir,
Siyang nakibaka at nasawi
Buong-lakas na inalay ang sarili,
Lumaban sa mga mapang-api

Sila ang mga walang pangalan —

Ngalan nila’y bayani,
Silang hinubog ng tunggalian ng uri
Ang kanilang diwang di magagapi,
Gagabay sa magpapatuloy sa gabi

— Pangalan nila’y di malilimutan.

Ngayong Pambansang Araw ng mga Bayani, pinakamataas na pagpupugay ang inaalay ng Kabataang Makabayan sa lahat ng mga namartir sa pakikibaka at sa mga patuloy na nakikibaka para sa pagtatagumpay ng pambansa demokratikong rebolusyon!

Ang laban at tagumpay ng rebolusyon ay mula at para sa lahat ng magsasaka, manggagawa, kabataan, maralitang lunsod, manggagawang pangkalusugan, at kabuuan ng mamamayang nagkakaisa. Ang tunay na bayani ay ang masang Pilipino na nakikibaka para wasakin ang paghahari ng imperyalismo, pyudalismo, at burukrata-kapitalismo sa loob ng malakolonyal at malapyudal na Pilipinas!

Ang Kabataang Makabayan ay nananawagan sa lahat ng patriyotikong kabataan at mamamayan na lumahok sa armadong pakikibaka at sumapi sa Bagong Hukbong Bayan upang ipagpatuloy ang labang nasimulan ng mga Pulang Bayani at martir ng rebolusyon!

Sumapi sa Kabataang Makabayan! Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!

--

--

Maria Laya Guerrero
Maria Laya Guerrero

Written by Maria Laya Guerrero

Read about the national democratic perspective on pressing issues — from the Kabataang Makabayan National Spokesperson.

No responses yet