Mapulang pagbati para sa mga kababaihang anakpawis!

Maria Laya Guerrero
2 min readMar 9, 2020

--

Bilang paggunita sa Pandaigdigang Araw ng mga Kababaihang Anakpawis nitong nagdaang ika-8 ng Marso, 2020

Isang mainit na pagbati ang ipinapahatid ng Kabataang Makabayan sa lahat ng mga kababaihang obrero nitong nagdaang Pandaigdigang Araw ng Kababaihang Anakpawis!

Sa ating paggunita nitong araw ng mga kababaihan, ating tinanaw ang kanilang tagumpay sa pagsusulong ng pakikibaka laban sa samu’t saring kahirapan at pagsasamantalang kinakaharap ng sektor at ng lipunan. Napatunayan ng mga kababaihan ang kanilang makasaysayang papel sa pagpupunyagi ng pang-ekonomya at pampulitikang laban kahanay ang malawak na hanay ng masa.

Ngayon, higit na kailanman, ay patuloy ang kanilang mapagpasyang gampanin sa pagtatagumpay ng digmang bayan — hanggang sa pagpapalaya ng mga uri, kaakibat ng pagpapalaya ng kasarian. Sa kasalukuyan, ang isa sa pangunahing kalaban ng mga kababaihang anakpawis sa Pilipinas ay ang pinakamalaking macho-pasista, pahirap, at papet na si Duterte.

Sa kumpas ng imperyalismong US sa neoliberal na kaayusan ng lipunan, walang nakabubuhay na sahod at wala ring de-kalidad na trabaho para sa mga kababaihan. Laganap pa rin ang kontrakwalisasyon at pagbubuwag ng mga unyon. Pinagkakait ng gubyerno ni Duterte ang kanilang mga batayang pangangailangan. Sa kanayunan, kinakaharap ng mga kababaihang pesante ang labis na kahirapang dala ng kawalan ng sariling lupa at ng pagsasamantala ng mga panginoong maylupa. Araw-araw ring nasa panganib ang kanilang buhay dala ng militarisasyon. Kaliwa’t kanan ang abusong tinatamasa ng mga kababaihan. Sa ilalim ng mapang-aping sistema sa malakolonyal at malapyudal na lipunan, walang ibang maaasahan ang mga kababaihan sa gubyernong kumikitil sa mamamayan sa gutom at/o dahas at sa imperyalistang bayang pinagsisilbihan nito.

Sa hinaharap, patuloy na bumabangon ang mga kababaihan sa Pilipinas upang pabagsakin ang rehimeng US-Duterte. Malinaw para sa mga kababaihang anakpawis na ang tunay na kalayaan ay makakamit lamang sa pagtangan ng armas at sa paglulunsad ng digmaan sa kanayunan — sa gabay ng mga teorya’t paninidigan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo, at sa dakilang pagsandig sa masa.

Nitong nagdaang araw ng mga kababaihan, ating ipinagdiwang ang tuloy-tuloy na pakikibaka ng mga kababaihang proletaryado sa kanilang pagtanaw sa pangakong bukang-liwayway — ang pagtatagumpay ng digmaang bayan para isulong ang pambansa-demokratikong lipunang may sosyalistang perspektiba.

Kaya’t para sa mga kabataang makabayan, lumahok sa laban ng kababaihang anakbpawis — sa laban ng mamamayan at sumapi sa NPA!

--

--

Maria Laya Guerrero

Read about the national democratic perspective on pressing issues — from the Kabataang Makabayan National Spokesperson.