Kabataan! Tutulan ang pasismo sa enhanced community quarantine! Magkaisa at ipaglaban ang serbisyong medikal para sa lahat!

Maria Laya Guerrero
4 min readMar 20, 2020

--

Imbis tugunan ang serbisyong medikal at pangkabuhayan ng mamamayan, ginamit ng rehimeng US-Duterte ang isyu ng COVID-19 pandemic sa pagsasanay ng batas militar sa buong Luzon at kalaunan, sa buong Pilipinas.

Mas pinaigting na pasismo sa mga mamamayan ang hatid ng enhanced community quarantine ni Duterte ngayong panahon ng matinding krisis at paglaganap ng COVID-19 sa bansa. Bagaman itinatanggi ni Duterte na Martial Law ang kanyang ipinatupad, malinaw para sa mga kabataan at sa lahat ng mamamayan na magdudulot ito sa mas pinalalang pagtapak sa karapatang pantao kasabay ng kawalan ng kabuhayan ng batayang masa.

Simula’t sapul, hindi na nagsisilbi si Duterte para sa mamamayan dahil sa pagtapyas nito ng pondong pangkalusugan (at sa iba pang serbisyong panlipunan) ng higit sa sampung bilyon upang ilaan sa militar at kapulisan. Inilaan rin niya ito sa mga institusyong naglalayong tiktikan at ilagay sa panganib ang mga mamamayang lumalaban para sa kanilang mga karapatan. Nagbunsod ito ng mas pinalalang pagpaslang sa mga magsasaka, mga lider-aktibista, at iba pang mga ordinaryong mamamayan nitong nakaraang mga taon.

Isinasagawa ni Duterte ang mga asta ni Marcos noong Martial Law sa kanyang pagpapatupad ng enhanced community quarantine. Walang kongkretong plano sa proteksyon ng mamamayan laban sa nakahahawang sakit at seguridad sa kabuhayan, agarang ipinakat ni Duterte ang kanyang mga tuta. Binibigyang kapangyarihan nito ang mga kapulisan at ang mga sundalo na kontrolin at abusuhin ang mamamayan. Napatunayan na ng kasaysayan na walang ibang maidudulot ito kundi ang pagtaas ng bilang ng mga pagpaslang, pandurukot, at iba pa, at pagpapadulas sa iba pang mga kontra-mamamayang polisiya. Nagkukubli sa ilusyong pagkontrol sa naturang sakit, magbibigay daan ito sa pag-aaresto sa mamamayan nang walang warrant of arrest at iba pang porma ng panunupil.

Sa isang manggagawang kumikita ng kakarampot na sahod na ipagkakasya pa sa kanyang pamilya bawat araw, ang kawalan ng seguridad sa kabuhayan ang mas nakakatakot kaysa sa nakahahawang sakit. Ika nga ng mga maralita, mas mauuna pa silang mamamatay sa gutom kaysa sa sakit. Dahil dito, laging mas nakapanguna para sa mga batayang masa ang maghanap ng kabuhayan lalu na’t wala na silang maaasahan sa isang pasistang rehimeng wala nang ginawa kundi ang mangurakot at pumaslang. Hindi ang COVID-19 ang unang papatay sa batayang masa, kundi ang gutom at ang pulis at militar ni Duterte na laging naka-amba.

Baril at militarisasyon ang tugon ng isang pasistang estado sa kahilingan ng mamamayan na dagdagan ang suporta para sa mga health workers, lokal na siyentista at iba pa, magbuo ng konkretong plano para sa seguridad sa kabuhayan, magsagawa ng mass testing para sa COVID-19, pagbaba ng presyo ng mga bilihin, at marami pang iba.

Sa mga susunod na buwan, lalong dadapa ang ekonomya ng bansa dahil sa kawalan ng pambansang industriya at magbubunsod ito ng paglobo ng utang ng Pilipinas sa ibang bansa. Lalu ring magiging sunud-sunuran si Duterte sa mga imperyalistang amo nito tulad ni Xi Jinping sa pagpapapasok nito sa bansa ng mga sindikatong aktibidades (tulad ng sa POGO), sa pagpipirma sa mga di-pantay na kasunduan, at iba pa. Lalung lalala ang kurapsyon sa hanay ng gubyerno habang gutom at naghihikahos ang mamamayan.

Patuloy ang paniningil ng masa sa pagka-inutil ng gubyerno ni Duterte na siya ring nagpapatibay ng batayan ng mamamayan para siya ay patalsikin. Kung baril ang palagiang sagot ng pasistang estado sa masang naghihikahos, hindi magdadalawang isip ang mga ito, lalu na ang mga manggagawa at magsasaka, na tumangan ng armas at lumaban upang pabagsakin ang pangunahing sistemang nagpapahirap sa bayan. Napatunayan na ng kasaysayan na hinding hindi nagtatagumpay ang lahat ng porma ng Martial Law, lalu na ang lahat ng diktador tulad ni Duterte.

Araw-araw ay isang paalala ng kahalagahang maglingkod sa masa at isulong ang rebolusyon sa gabay ng Marxismo-Leninismo-Maoismong paninindigan. Sa kagyat, tinatawag ang lahat ng balangay ng Kabataang Makabayan na bumuo ng health committees at maging mapanlikha sa pagbibigay ng tulong sa masa. Sa kabila ng enhanced community quarantine sa kasalukuyan, tayo ay tinatawag na mas lalung maging mapagmatiyag sa mga kontra-mamamayang polisiyang maaaring ipadulas ng estado. Magkaisa at maging aktibo sa paglalaban sa ating mga karapatan!

Dahil sa lumalalang krisis panlipunan at mas umiigting na pasismo, wala nang aasahan ang mamamayan sa inutil at kontra-mamamayan nitong gubyerno. Ngayon, higit na kailanman, ang tamang panahon na tumangan ng armas at pagtagumpayan ang rebolusyon — kabataan, sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!

--

--

Maria Laya Guerrero
Maria Laya Guerrero

Written by Maria Laya Guerrero

Read about the national democratic perspective on pressing issues — from the Kabataang Makabayan National Spokesperson.

No responses yet