BIGUIN ANG MGA ANTI-DEMOKRATIKONG HAKBANGIN NI DUTERTE! PROGRAMANG MEDIKAL, PAGKAIN, AT AYUDA , NGAYON NA!
Pahayag ng Tagapagsalita ng Kabataang Makabayan sa extension ng lockdown ni Rodrigo Duterte
Higit na nalalantad sa mata ng sambayanan ang pagiging inutil at pahirap na rehimen ni Rodrigo Duterte. Sa kabila ng panawagang suporta at serbisyo ng mga mamamayan ay nauwi na naman ang rehimen sa pagpapatuloy ng militaristiko nitong solusyon sa pandemya, sa kabila ng nananatiling kakulangan sa pagkain, ayuda, at mga serbiyong medikal.
Pinatunayan nitong nagdaang mga linggo ang pagiging anti-demokratiko anti-mahirap ng solusyong “lockdown” ng pamahalaan. Nitong nagdaang linggo ay marahas nitong binuwag ang hanay ng mga maralitang nagprotesta sa San Roque, Quezon City, dahil sa gutom na inaabot ng mga ito sa ilalim ng extreme community quarantine. Marahas ding binulabog ng mga pwersang estado ang community kitchen ng mga taga-San Roque dahil di umano sa mga panawagang nakalagay sa paligid.
Gingamit ni Duterte ang tatlong linggong “lockdown”, upang tabingan ang paglalatag nito ng kanyang pasistang makinarya sa buong NCR at magbigay ng mas malakas na kapangyarihan sa kanyang sarili. Balak ni Duterte na patayin sa gutom at hirap ang mga Pilipino- wala na ngang kakayahang kumilos at mag-trabaho, wala pang pagkain at ayuda. Sa totoo, kung may nakukuha lang na suporta ang mga Pilipino ay hindi sila mag-aatubiling manatil sa mga tahanan at mag-quarantine para ma-kontrol ang virus.
Kinasuhan sa mga probinsiya ang mga ordinaryong mamamayan na may mga salungat na saluobin sa mga patakaran ng rehimen. Kabilang dito ang isang mamamahayag pang-kampus. Libo-libo na ang inaresto sa paglabag sa curfew- mas madami pa sa inabot ng mass testing.
Kitang-kitang walang ng substantibong programang inihahapag para masugpo ang pandemya. Walang ibang narinig ang sambayanang Pilipino kundi ang kanyang mga pananakot at utos sa mga armadong tuta nito sa AFP at PNP na barilin ang sino mang hindi susunod sa kanila. Takot ang rehimen na makita ng mga mamamayan na wala itong silbi at wala itong kakayahan para iresolba ang pambansang problema ng COVID-19 kaya pilit nitong pinapatahimik ang umaalma, pilit nitong tinatanggalan ng krediblidad ang may ginagawa, at pilit nitong nililinlang ng paulit-ulit ang sambayanan.
Mahigpit ang tungkulin ng mga kabataang makabayan ang sagutin ang mga kasinungalingan at kalabanin ang mga panlalansi ng pasistang si Duterte. Pangunahin, dapat ilantad ang mga pasistang katangian ng mga inihahapag na programa ng pangulo, gaya ng nakaambang pagpapalawig sa lockdown. Hindi ito ang sagot sa pagpigil sa pagpapalawak ng pandemya. Sa simula pa lamang ay malinaw na pagkain, ayuda, at serbisyong medikal ang panawagan ng mamamayan. Anu mang porma ng pag-kontrol sa pagkilos ng mga tao ay walang silbi kung wala ang mass testing, quick isolation, and medical treatment. Esensyal ang mga panawagang tulong at serbisyon para maresolba ang iba pang problemang kaugnay ng COVID-19.
Higit na paingayin ang pagkakaisa ng mga mamamayan na hindi na maari pang makapanatili si Duterte sa posisyon dahil siya mismo ang nagpapahirap sa mga Pilipino.Tungkulin ng mga rebolsyunaryong pwersa na tungtungan ang mga panawagang ito para makaisa ang pinaka-malawak at pinaka-malapad sa pagsusulong ng kilusang talsik. Dapat gamitin ng mga kabataan ang malawakang disgusto kay Duterte para pagkaisahin ang buong sambayanan sa batayan ng kanyang kawalang aksyon sa panawagan ng masa.
Kasabay nito ay dapat ipaliwanag ang pambansa demokratikong linya at alternatiba. Libo-libong ang dapat mamulat sa pagsusuri at pagbabagong isinusulong ng pambansa demokratikong kilusan na nakasaad sa programan ng Pambansa Nagkakaisang Prente. Ito ay susing hakbang sa pag-aanak ng daluyong ng mga protesta mula sa kagustuhan ng masa ng pagbabago at ng kawastuhan ng rebolusyong bayan.
Dapat abutin ang lahat ng masang kakayanin sa ilalim ng namamayaning lockdown, sa social media man o sa sa ating mga barangay. Masusing planuhin kung paano iaangat ang isyu ng masa tungo sa mga pundamental na problema ng lipunan, ng maka-uring tunggalian, at maihahapag ang pambansa demokratikong programa.
Mahigpit na bantayan at kodnenahin ang pang-aapak ni Duterte sa mga demokratikong karapatan na nilalabag sa ilalim ng lockdown. Ito ang imbing layunin ng kanyang pasistang rehimen kaya dapat itong biguin. Dapat siyang itulak na dinggin ang mga panawagan ng mga tao sa halip na ubusin ang oras at panahon para sa mga checkpoint, hulihan, at pagpapatupad ng curfew.
Sa hindi-deklaradong batas militar sa bansa, ay dapat mahusay na bitbitin ng mga kabataan at mamamayan ay ang pagpapakita ng galit kay Duterte, pagkakaisa sa kanyang pag-layas sa pwesto, at pagsusulong ng demokratikong rebolusyong bayan sa pamamagitan ng armadong pakikibaka para bunutin ang ugat ng krisis ng sambayanan. Hangga’t pasismo ang sagot ni Duterte sa mga lehitimong interes ng masa, asahan niya ang laksa-laksang protesta sa lansangan at ang paglawak ng pulang bandila sa kanayunan. Gagawin ng mga Kabataang Makabayan ang lahat upang singilin si Duterte at baliktarin ang opinyon ng masa, pabor sa pagsusulong ng rebolusyon.